Home METRO 3 sugatan sa salpok ng motor ng lasing na pari

3 sugatan sa salpok ng motor ng lasing na pari

CEBU CITY- Sugatan ang tatlong indibidwal sa hit-and-run incident sangkot ang isang pari na lasing umano nang maganap ang aksidente nitong Huwebes ng gabi sa bayan ng Santa Fe, Bantayan Island, northern Cebu.

Isinailalim si Rev. Fr. Rhanmar Ragmac Singuran, 45, residente ng Barangay Argawanon, bayan ng San Remegio, Cebu, sa kustodiya ng kapulisan matapos ang insidente.

Sinabi ng mga pulis na minamaneho ng pari ang isang puting Toyota Camry nang mabangga nito ang dalawang motorsiklo lampas alas-8 ng gabi sa provincial road sa Barangay Pooc, Santa Fe.

Tinatahak ng tatlong sasakyan ang parehong direksyon nang mapuwitan ang dalawang motorsiklo.

Sugatan sina Anthony Ilustrisimo Pacinio, 45, ng Barangay Maricaban, Santa Fe, kanyang back rider na si Mary Kim Kristine Espinosa Pacinio, 21, at driver ng isa pang motorsiklo na si Bill Maicor Seared Salino, 24.

Sinabi ng mga pulis na tumalsik ang tatlong driver sa lakas ng bangga subalit hindi pa rin umano tumigil ang pari.

Tumulong naman ang mga saksi na dalhin ang mga sugatang motorista sa Bantayan District Hospital.

Ayon sa mga pulis, nahuli ang pari sa karatig-bayan ng Bantayan kung saan nakumpirmang lasing siya habang nagmamaneho. RNT/SA