Home METRO P39M marijuana buking sa balikbayan box!

P39M marijuana buking sa balikbayan box!

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad sa anti-narcotics ng gobyerno ang P39,000,000 halaga ng hinihinalang marijuana na nakatago sa dalawang kahon ng “balikbayan” sa interdiction operation sa Manila International Container Port (MICP).

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang bawat balikbayan box ay naglalaman ng 13 kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng drum; tatlong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na pinalamanan sa isang bedsheet; at mga dahon ng marijuana na nakatago sa tatlong kahon ng cereal.

Isinagawa ang operasyon sa MICP Designated Examination Area, Container Freight Station 3 noong Marso 7, at isinapubliko noong Lunes, Marso 11.

Walang namang naaresto sa operasyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 4 (importation of illegal drugs and/or precursors and essential chemicals), Article II of Republic Act 9165 or or known as “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA, Bureau of Customs at Philippine National Police (PNP). Santi Celario

Previous articleBebot malapitang binaril; kagawad, suspek sa krimen
Next articleP13.6M droga nasabat; suspek nanlaban, sundalo sugatan!