Home METRO Bebot malapitang binaril; kagawad, suspek sa krimen

Bebot malapitang binaril; kagawad, suspek sa krimen

LIPA CITY, Batangas – Patay ang isang 51-anyos na babae nitong Sabado ng hapon, Marso 9, sa Barangay Pag-olingin West dito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marilyn Escartin mula sa San Juan, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng suspek na si alyas Joey na nakasuot pa ng helmet.

Kalaunan ang suspek ay napag-alaman na kagawad ng nasabing barangay.

Agad namang namatay ang biktima sa lugar habang mabilis na tumakas ang suspek sakay ng e-bike.

Nagsasagawa ng follow-up na imbestigasyon ang kapulisan. RNT

Previous articleSunshine, pinagseselosan ng jowa ni Atong!
Next articleP39M marijuana buking sa balikbayan box!