Home ENTERTAINMENT Sunshine, pinagseselosan ng jowa ni Atong!

Sunshine, pinagseselosan ng jowa ni Atong!

Manila, Philippines – There’s no truth to persistent talks that Sunshine Cruz and businessman Atong Ang are playing beautiful music together.

llang beses na rin itong itinanggi ng 46-anyos na aktres.

Truth be told, may ibang nobya pala ang negosyanteng minsan na ring iniugnay kay Gretchen Barretto.

Maging ang tsismis sa kanilang dalawa’y gawa-gawa lang ng mga Marites.

What is certain though ay balitang pinagseselosan ng dyowa ni Atong si Sunshine.

Kunsabagay, it doesn’t come as a surprise.

Sunshine is wondering herself na sa kabila ng kanyang edad plus may tatlo pang anak ay

napagkakamalang just her daughters’ age.

Lalo pang napatunayan ni Sunshine that indeed, age is just a number.

Kamakailan kasi, kabilang ang aktres sa mga rumampa sa fashion week ng isang local clothing line.

Take note, Sunshine’s presence on the runway was jaw-dropping.

Sukat ba naman kasing hindi siya nagpakabog with her two-piece bikini!

“I’m a fireball!” pagmamalaki niya patungkol sa first time experience considering na tatlo na ang anak niya.

Inilarawan ni Sunshine ang ramp experience na ‘yon as both exhilirating and empowering.

Kaya kataka-taka pa ba na “insecure” sa kanya ang nobya ni Atong? Ronnie Carrasco III

Previous articleTsina nakadiskubre ng 100M toneladang langis sa SCS
Next articleBebot malapitang binaril; kagawad, suspek sa krimen