Home NATIONWIDE P4.6M halaga ng substandard, ‘di sertipikadong produkto sinira ng DTI

P4.6M halaga ng substandard, ‘di sertipikadong produkto sinira ng DTI

321
0

MANILA, Philippines – Sinira ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Miyerkules, Oktubre 22 ang mahigit P4.6 milyong halaga ng non-compliant at hindi sertipikadong mga produkto bilang bahagi ng crackdown nito sa hindi ligtas at substandard na mga produkto sa buong bansa.

Ang destruction activity ay isinagawa sa DTI National Capital Regional Office (NCRO) Compound sa Marikina City at pinangunahan ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) sa pakikipagtulungan sa regional and provincial offices ng DTI, at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay DTI Fair Trade Supervising Head Assistant Secretary Regino Mallari Jr., ang mga sinirang produkto ay nakumpiska sa regular na inspeksyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Parte po ito ng direktiba ng ating presidente para sa consumer protection and celebration ng ating consumer welfare. Yung mga sinira natin ngayon na ceramics, sanitary ceramic plumbing, toilets… wala po silang [required certification],” ani Mallari.

Kabilang sa mga nakumpiska ay mga toilet, ceramic wares, at steel bars, na napag-alaman ng DTI na mababa sa kanilang safety standards.

Sinabi rin ni Mallari na ang mga sinirang item ay nagrerepresenta lamang ng maliit na bahagi ng lahat ng nakumpiskang mga produkto at ang karamihan ay nananatili pa rin sa mga warehouse.

“Small percentage yung nakikita natin ngayon kasi nasa bodega yung karamihan,” anang opisyal.

Nagbabala si Mallari na lubhang delikado ang paggamit ng mga substandard na produkto.

“Delikado po ito sa mga consumer—una, naloko po sila, at pangalawa, delikado po sa kalusugan at imprastraktura,” giit niya.

Magpapatuloy ang DTI sa enforcement operations nito upang masiguro na tanging ang mga sertipikado, quality-assured products lamang ang makakarating sa mga customer. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here