MARIKINA, Philippines – Tatlong lalaki na tinaguriang high-value individuals (HVIs) at wanted sa ilegal na droga ang arestado sa isang buy-bust operation sa Barangay Marikina Heights, Marikina City noong Martes ng umaga, Hulyo 8.
Ayon sa Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG), nahuli ang tatlo sa loob ng isang bahay sa Champaca Street kung saan nakabili ng ilegal na droga ang isang police poseur buyer sa mga suspek bandang alas-4 ng madaling araw.
Narekober ng pulisya sa mga suspek ang 3,239 gramo ng high-grade marijuana o kush at 30 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P4,862,100.
Dinala ang mga suspek sa Special Operations Unit (SOU) headquarters ng PNP-DEG sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, at nahaharap sa kasong iligal na droga. RNT/MND