Home METRO P4.8M puslit na yosi nasabat

P4.8M puslit na yosi nasabat

CAGAYAN DE ORO CITY- Nasabat ng mga pulis sa Lanao del Norte nitong Miyerkules ang halos P4.8 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo na naglalaman ng 120 master cases.

Sinabi ni Brig. Gen. Jaysen de Guzman, Northern Mindanao police director, na naharang ang mga sigarilyo sa isang checkpoint sa Barangay Campong sa bayan ng Pantar lampas alas-3 ng madaling araw nitong Miyerkules.

Binabantayan ang regional border control ng mga tauhan ng 1005th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10 and the Pantar police.

Sakay ang nasabing kontrabando ng puting Isuzu truck, ani De Guzman, base sa police spot report.

Sa inspeksyon, hindi naipakita ng truck driver at helper ang mga kinakailangang dokumento.

Kabilang sa mga nakumpiskang item ang 68 master cases ng Modern, 27 Delta, 16 New Far Red, at siyam na New Far Green cigarettes, na may total estimated market value na P4.8 milyon.

Itinurn-over na ang mga item at sasakyan sa Bureau of Customs sa Iligan City, habang nasa kustodiya na ng Pantar municipal police station ang mga suspek habang ikinakasa ang mga kaukulang kaso. RNT/SA