MANILA, Philippines- Sa taunang Traslacion, sinabi ng isang opisyal ng Quiapo na naging masunurin ngayong taon ang mga deboto dahil sumusunod sila sa mga patakaran sa pagsisimula ng prusisyon ng Poong Hesus Nazareno.
Sinabi ni Fr.Robert Arellano, ang tagapagsalita ng Quiapo Church, sa pag-arangkada ng ‘Andas’ o karwahe ng imahe ay naging masunurin ang mga deboto kumpara noong pre-pandemic kung saan agresibo at sumisigaw ang mga ito.
Bukod sa Traslacion, ang iba pang tatlong aktibidad ay ang tradisyunal na ‘Pahalik,’ at ang Misa Mayor na pinangunahan ni Manila Arbishop Jose Cardinal Advincula.
Sa kanyang homily, hinikayat ni Advincula ang mga deboto na alalahanin ang dalawang bagay: ang umasa kay Hesus at ang pagsunod sa kanya.
Hinimok ni MPD Director Arnold Thomas Ibay ang mga deboto na tingnan ang mga kahina-hinalang mga indibidwal upang mapanatili ang peace and order.
Ayon kay Ibay, hindi lamang ang kaligtasan at seguridad ang responsibilidad ng kapulisan kaya dapat aniyang ipagbigay-alam agad sa kanila kung may mapansin na kahina-hinala. Jocelyn Tabangcura-Domenden