Home NATIONWIDE P40M lotto jackpots bigong mapanalunan

P40M lotto jackpots bigong mapanalunan

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa alinman sa malaking lotto draw nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 29, 2024.

Walang bettor ang nakahula nang tama ng tamang kumbinasyon para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45, na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang winning combination para sa Grand Lotto 6/55 ay 19-39-20-24-25-27 kung saan nasa P29,700,000 ang jackpot prize.

Habang ang mga winning digit para sa Mega Lotto 6/45 ay 14-32-41-43-17-09 na may P10,319,064.40 premyo. RNT