Home NATIONWIDE P450-M funding para sa PH Coast Guard inanunsyo ng US

P450-M funding para sa PH Coast Guard inanunsyo ng US

106
0

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng United States Department na magpo-provide ito ng P450 million (USD8 million) na bagong pondo para suportahan ang Philippine Coast Guard (PCG).

Ang nasabing pondo ay tulong para gawing modernisado ang ‘PCG infrastructure enhancement, training program development, resource acquisition at management planning.’

Ang pagpopondo ay inanunsyo sa isinagawang third Maritime Dialogue noong Oct. 24 kung saan pinag-usapan ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang commitment na palakasin ang pagsunod sa international law, bilang salamin ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

Ang naturang dayalogo ay nakatuon sa pagtugon sa epekto ng climate change, illegal fishing at kahalagahan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa maritime law enforcement.

Inilunsad noong 2022, ang Maritime Dialogue ay nagsilbi bilang plataporma para sa Pilipinas at Estados Unidos na tugunan ang ‘shared maritime challenges’ at mas palalimin pa ang tinatawag na ‘operational coordination.’ Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here