Home NATIONWIDE P48M combined lotto jackpots ‘di napanalunan

P48M combined lotto jackpots ‘di napanalunan

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Marso 7, na walang nanalo para sa jackpot prize ng Lotto 6/42 at Super Lotto 6/49 noong 9 p.m. draw.

Walang manlalarong nakahula ng tama sa 6/42 winning digit combination na 12-29-28-37-03-10 na may jackpot na P10.5 milyon.

Ang Lotto 6/42 draw ay ibinobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Samantala, wala sa mga manlalaro ang nakahula ng tama sa 29-44-08-24-49-18 Super Lotto winning digit combination na may jackpot na P38.4 milyon.

Ang susunod na Super Lotto draw ay sa Marso 9.

Narito ang mga resulta para sa iba pang digit na laro: 23-11 para sa 2D Lotto, 3-6-5 para sa 3D Lotto, at 4-9-0-7-5-3 para sa 6D Lotto. RNT

Previous article‘Di pa summer season – PAGASA
Next articleVP Sara pinuputakte ng black propaganda