MANILA, Philippines – Mahigit P5.32 bilyong halaga ng illegal na droga na nakumpiska sa iba’t ibang operasyon ang sinira sa waste management facility sa Trece Martires City, Cavite, nitong Martes, Mayo 20, sinabi ng
Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa pahayag, sinabi ng PDEA na kabuuang 2,227.7584 kg. ng solid illegal drugs at 3,447.0920 ml. ng liquid illegal drugs ang sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis.
Kabilang sa mga items na ito ay ang mga sumusunod:
738.2005 kg. ng methamphetamine hydrochloride o shabu
1,478.4915 kg. ng marijuana
4.8668 kg. ng MDMA o ecstasy
39.2168 grams ng cocaine
2.2116 grams ng toluene
6.1516 grams ng ketamine
5.5100 grams ng phenacetin
1.0400 gram ng LSD
2,000 ml. ng liquid cocaine
49.0420 ml. ng liquid meth
1,398.05 ml. ng liquid marijuana
assorted surrendered expired medicines
Bahagi ng mga sinirang kontrabando ay ang
404.9515 kg. ng shabu na nasamsam sa interdiction operation sa Port of Manila noong Enero 23.
Ani PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, layon ng pagsira na alisin ang ispekulasyon na ang mga nakukumpiskang illegal na droga ay inire-resiklo o ibinibenta sa illegal drug market.
“Stacked inside a chamber, the dangerous drugs were burned beyond recovery,” sinabi ni Nerez.
“PDEA promotes transparency where its actions are open to the Filipino people as advocated under the ‘Bagong Pilipinas’ program led by His Excellency President Ferdinand Marcos Jr. The public deserves nothing less than our utmost diligence and integrity” dagdag pa niya. RNT/JGC