Home METRO P5.3M marijuana winasak sa Ilocos Sur

P5.3M marijuana winasak sa Ilocos Sur

ILOCOS SUR- Nagkakahalaga ng P5,340,000 ang fully grown marijuana plants na pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad mula sa limang plantation sites na nadiskubre nila sa Brgy. Banga, Sugpon ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Nagsasagawa ng marijuana eradication operation ang mga awtoridad nang madiskubre nila ang limang taniman ng marijuana na natatamnam ng 26,700 na fully grown marijuana plants

Ang operation team ay binubuo ng mga pinagsanib na pwersa mula sa ISPDEU (lead unit), Sugpon MPS, Quirino MPS, Cervantes MPS, Suyo MPS, Sigay MPS, Tagudin MPS, San Emilio MPS, Nagbukel MPS, Galimuyod MPS, Salcedo MPS, Gregorio del Pilar MPS, PDEA-ISPPO at 1st ISPMFC.

Walang cultivator na naaresto mula sa mga nadiskubreng taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso