Home ENTERTAINMENT Bea at Dom, may kontak pa, nabisto sa tuta!

Bea at Dom, may kontak pa, nabisto sa tuta!

Manila, Philippines – Sabi nga, pictures don’t lie unless they’re photoshopped, filtered or doctored.

If this is the premise, wala na ring kawala sina Bea Alonzo at Dominique Roque kundi umaming they got back together!

“Resibo” o katibayang maituturing ang mga larawang si Dominic mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account.

Sa heading pa lang ay nagbigay na si Dom ng malinaw na pahimakas ng pagbabalikan nila ni Bea.

Consider this: “Ran-Dom photos.”

Sa mga clueless, this can be mistaken for “random” describing a series of photos.

Pero isang fan na ang nag-provide ng info: “Hindi ba’t ang mother ni Bea na si Mary Ann, eh, ‘Ranollo’ ang apelyido?”

In that case, the syllable “Ran” in the caption pertains to Bea’s last name at ang “Dom” ay si Dominic.

One more thing, disimulado na sana ang paandar ni Dom with the series of photos maliban sa larawan ng isang puppy o tuta.

Naikonek agad ‘yon ng mga netizens sa pagmamay-aring puppy ni Bea named Walter.

So, paanong napunta si Walter kay Dominic if it’s Bea’s fur baby?

The equation is a simple 1 plus 1. In short, nagkikita pa rin ang tiyak na nagkabalikang magkasintahan!

Understandable naman para sa mga netizens kung sa pagkakataong ito’y tahimik sina Bea at Dom over rumors about their pagbabalikan.

Sa katunayan, mas marami ang natutuwa kung totoo ngang they’re back in each other’s arms.

Looking forward pa nga ang mga netizens na sana’y matuloy ang kanilang kasal.

Na ililihim din nila if ever…? Ronnie Carrasco III