Home HOME BANNER STORY P5.768-T expenditure program sa 2024 isinumite na ng DBM sa Kongreso

P5.768-T expenditure program sa 2024 isinumite na ng DBM sa Kongreso

OPISYAL na nagsumite si Budget Secretary Amenah Pangandaman ng P5.768-trillion panukalang budget para sa 2024 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sumasalamin ito sa 9.5% increase o pagtaas mula sa appropriations ngayong taon.

Isinumite ang National Expenditure Program (NEP) for 2024, isang linggo matapos ang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nakasaad sa 1987 Constitution na ang budget ay dapat na isumite sa loob ng 30 araw matapos ang Ulat sa Bayan.

“(T)he proposed national budget for FY 2024 shall continue to prioritize expenditure items that promote social and economic transformation through infrastructure development, food security, digital transformation, and human capital development,” ayon sa kalatas ng Department of Budget and Management (DBM) .

Naglaan ang administrasyon ng P1.4 trillion para sa Build Better More Program, katumbas ng 5.3% ng gross domestic product (GDP).

Kabilang dito ang “P463.25 billion para sa road networks, P255.01 billion para sa flood control systems, P153.46 billion para sa railway systems, P70.07 billion para sa buildings, P37.92 billion para sa right-of-way acquisition, at P174.28 billion para sa development fund ng local government units (LGUs).

Para social acquisition, sinabi ni Pangandaman na P40.59 billion ang inilaan para sa mga school building, P15.31 billion para sa mga hospital at health center, P5.43 billion para sa water supply systems, P3.58 billion para sa power supply systems, P2.12 billion para sa housing and community facilities, at P1.32 billion para sa reforestation projects.

Matatandaang, sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA noong nakaraang linggo na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagtuon sa imprastraktura, nangako na gagastos ng 5% hanggang 6% ng GDP para sa sektor.

Naglaan naman ng P924.7 billion para sa edukasyon o 16.0% ng NEP for 2024, nakamandato kasi sa Saligang Batas na ang sektor na ito ang “top priority.”

“Echoing the pronouncement of our President, alongside the strengthening of our economy, we will also invest heavily in human capital development through education, health, and social protection,” ayon sa Kalihim.

Kabilang naman sa education budget ay ang P12.04 billion para sa textbooks at iba pang other instructional materials, P11.71 billion para sa school-based feeding program, at P41.05 billion para sa Education Assistance and Subsidies.

Kasama rin sa education budget ang P51.12 billion para sa Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE), kung saan P21.70 billion ay mapupunta sa 116 state universities and colleges (SUCs).

“In our quest for food security and proper nutrition for Filipino families, the FY 2024 NEP will continue to support programs that boost the local production of major agricultural commodities,” ang wika ni Pangandaman.

Saklaw naman ng budgetary support ang P30.87 billion para sa bigas, P5.28 billion para sa mais, at P1.94 billion para sa high-value crops.

Ang iba pang alokasyon ay kinabibilangan ng P916 million para sa National Soil Health Program, P31.18 billion para sa irrigation services, P4.94 billion para sa fisheries infrastructure development, P9.00 billion para sa buffer stocking program, at P17.27 billion para sa farm-to-market road program.

Sa kabilang dako, tinuran naman ni Pangandaman na nagkaloob din ang NEP ng P112.8 billion para sa 4.4 pamilya sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, P1.89 billion para sa Philippine Food Strategic Transfer and Alternative Measures (STAMP) Program, at P49.81 billion para sa Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Mayroon namang P9.0 billion ang inilaan para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program, na naglalayong magtayo ng 6 milyon na “decent and affordable” na pabahay para sa pamilyang filipino sa loob ng anim na taon.

Samantala, batay sa pinakahuling data na available mula sa Bureau of the Treasury (BTr), makikita na ang fiscal balance ng gobyerno ay mayroong P551.7-billion shortfall o kakapusan sa unang bahagi ng taon, 18.17% na mas mababa sa P674.2 billion fiscal gap ngayong 2023.

Sa oras na aprubahan na ng Kongreso, ang NEP ay kikilalanin bilang General Appropriations Bill, at tatawaging General Appropriations Act (GAA) sa oras na maipasa at maging ganap na batas.

“It is the Administration’s fervent hope that this budget will continue to lay the groundwork for future-proofing the economy and making the country’s growth inclusive and sustainable, not just for the Filipinos of today, but also for the future generations,” ayon sa Kalihim. Kris Jose/ Gail Mendoza