Home HOME BANNER STORY P500K pabuya alok kapalit ng tip vs 4 suspek na pumatay sa...

P500K pabuya alok kapalit ng tip vs 4 suspek na pumatay sa Bulacan ABC pres

96
0

MANILA, Philippines – Nag-alok ng P500,000 reward ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa sinumang makapagbibigay ng tip sa kinaroroonan ng apat na suspek sa pagpatay kay Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan board member Ramilito Capistrano at driver nito.

“Naglabas din ng reward na P500,000 ang LGU po ng Bulacan para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na hahantong sa pag-aresto at lokasyon po nitong si Sgt. Pascual, Gallardo, alias ‘Lupin’, at alias ‘Jeff’ po,” sabi ni Philippine National Police spokesperson P/Brigadier General Jean Fajardo sa press briefing nitong Huwebes.

Double murder ang isinampa laban sa mga suspek na Police Staff Sergeant Ulysses Hernani Castro Pascual at sa kanyang pinsang si Cesar Mayoralgo Gallardo Jr. at sa kanilang mga kasabwat na sina “Jeff” at “Lupin” sa Prosecutor’s Office ng Malolos City.

Nasa loob ng kanilang sasakyan si Capistrano, na siya ring pinuno ng Association of Barangay Captains sa Bulacan, at ang driver nitong si Shedrick Toribio nang tambangan ng mga suspek noong Oktubre 3.

Nauna nang inaresto si Pascual ngunit nakatakas ito matapos payagan ng isang pulis na umuwi. Hindi na siya bumalik sa kustodiya ng pulisya mula noong nakaraang linggo.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa likod ng krimen, ngunit hindi nito binabalewala ang posibilidad na ito ay may kinalaman sa trabaho.

“Hindi pa po natin ma-single out kung ano po yung motibo until such time na mapin-point po natin yung mastermind. Because it appears na itong pong mga suspects na sinampahan ng kaso were just the instrument na ginamit nitong mastermind para patayin itong si Capistrano,” ani Fajardo. “Hindi natin inaalis yung possibility na ito ay work-related.”

Sinabi ng PNP na ang Criminal Investigation and Detection unit na ang bahala sa manhunt operations sa mga suspek. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here