Home NATIONWIDE P50K pabuya alok sa kakanta sa killer ni ‘Mangayon’

P50K pabuya alok sa kakanta sa killer ni ‘Mangayon’

98
0

MANILA, Philippines – Nag-alok si Davao de Oro Gov. Dorothy M. Gonzaga ng pabuyang P50,000 sa anumang impormasyon sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng bumaril at nakapatay sa Philippine Eagle na si “Mangayon” sa Compostela, Davao de Oro.

Sa pahayag, nais ni Gonzaga na mapanagot ang sangkot dito at kinondena rin ang pagpatay sa agila.

Matatandaan na natagpuan ng mga sundalo noong Hulyo 8 ang nanghihinang si Mangayon na may tama ng bala sa kaliwang pakpak nito.

Namatay si Mangayon bandang 9:49 ng gabi sa Philippine Eagle Center kung saan ito ginamot sa dami ng mga nawalang dugo rito.

Hinimok ni Gonzaga ang publiko na tulungang mapangalagaan ang kalikasan upang hindi maulit ang nangyari katulad nang kay Mangayon.

Nagtutulungan na ang gobernadora at Department of Environment and Natural Resources-Davao para malaman ang pagkakakilanlan ng salarin. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here