MANILA, Philippines – Umaasa si Budget Secretary Amenah Pangandaman na iaanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang salary hike sa mga manggagawa ng pamahalaan sa kanyang ikatlong State of the Nation Address sa susunod na lingo.
Ang pahayag ni Pangandaman ay nang tanungin siya kung ano ang mga inaasahan niyang marinig sa SONA ng Pangulo sa Lunes, Hulyo 22.
“‘Yung hinihintay ng ating mga kababayan, mga kawani sa gobyerno, ang increase ng ating salary, I hope,” ani Pangandaman.
Nang tanungin kung inaprubahan ng Pangulo ang pinakabagong salary adjustment sa government workers, sinabi ng DBM chief na:
“Tingnan natin sa SONA.”
Ngayong buwan lamang nang sabihin ni Pangandaman na umaasa siyang aaprubahan ng Kongreso ang P70 bilyong alokasyon para sa salary increase ng mga empleyado ng pamahalaan na pasok sa 2025 national budget.
“We need to wait for Congress’ decision whether to approve the item on the increase in salaries of the employees,” saad ni Pangandaman sa hiwalay na panayam.
Noong nakaraang taon, nakatanggap ang mga empleyado ng pamahalaan ng ikaapat at huling tranche ng 2019 Salary Standardization Law. RNT/JGC