Home NATIONWIDE MMDA: Walang suspensyon ng number coding bukas

MMDA: Walang suspensyon ng number coding bukas

115
0

MANILA, Philippines – Hindi magpapatupad ng suspensyon sa number coding sa Lunes, Hulyo 22 kasabay ng ikatlong tate of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado, Hulyo 20.

“May mga nagtatanong kung suspended ba ang number coding scheme, hindi po. Tuloy po ang number coding scheme dahil kung isususpend po namin ‘yan ay dadami po ang mga sasakyan sa lansangan na lalong magpapasikip ng traffic,” pahayag ni MMDA Acting Chairperson Romando Artes sa isang ambush interview.

“Any additional vehicles po ay makakadagdag sa congestion,” dagdag ni Artes.

Sa traffic plan ng MMDA para sa SONA 2024 ay isasara ang ilang bahagi ng Commonwealth Avenue, at IBP Road.

Nagpaalala naman si Artes sa publiko na iwasang dumaan sa Batasan, Quezon City area kung walang importanteng gagawin. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here