MANILA, Philippines – Wagi ang solong mananaya ng P12.7 milyong halaga ng jackpot sa Lotto 6/42 draw nitong Sabado, Hulyo 20.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang winning combination numbers para sa jackpot na nagkakahalaga ng P12,725,157.60 ay 27-23-17-41-15-29.
Wala namang nanalo ng jackpot sa winning number na 33-21-40-42-52-37 para sa Grand Lotto 6/55 draw, na nagkakahalaga ng P108,865,514. RNT/JGC