Home HOME BANNER STORY P52M lotto jackpot nasolo!

P52M lotto jackpot nasolo!

MANILA, Philippines – Nasa halos P52 milyong lotto jackpot ang nasolo ng nag-iisang mananaya matapos na matumbok ang Superlotto 6/49 jackpot sa live drawing ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Mayo 8.

Nagawang mahulaan ang winning combination na 40-18-07-06-24-27, at maiuuwi ng solo bettor ang jackpot prize na P51,964,353.60.

Samantala, walang mga nanalo sa alinman sa iba pang dalawang malalaking premyo ng gabi.

Ang winning combination para sa Lotto 6/42 draw ay 25-07-05-04-09-02. Ang jackpot ay nananatili sa P48,422,215.40.

Ang mga nanalong numero para sa Ultra Lotto 6/58 ay 35-11-09-40-55-19. Ang jackpot nito ay P49,500,000.00.

Wala ring nanalo sa 6D Lotto, na may premyong P1,940,394.28. Ang mga nanalong numero ay 2-1-8-6-4-0. RNT