Home HOME BANNER STORY 18 lugar sa bansa tutustahin ng araw ngayong Mayo 8

18 lugar sa bansa tutustahin ng araw ngayong Mayo 8

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng weather bureau ang mga residente ng 18 lugar na makararanas ng peligrosong heat index o damang-init ngayong Miyerkoles, May 8.

Base sa PAGASA ang mga sumusunod na lugar ay inaasahang makakaramdam ng hanggang 45°C heat index sa Mayo 8:

45°C

—Virac (Synop), Catanduanes
—Roxas City, Capiz
—Guiuan, Silangang Samar

44°C
—Aborlan, Palawan
—Cuyo, Palawan

43°C
—Dagupan City, Pangasinan
—Bacnotan, La Union
—Alabat, Quezon
—San Jose, Occidental Mindoro
—Masbate City, Masbate
—Iloilo City, Iloilo
—Dumangas, Iloilo
—Zamboanga City, Zamboanga Del Sur

42°C
—CLSU Muñoz, Nueva Ecija
—Legazpi City, Albay
—CBSUA-Pili, Camarines Sur
—Cotabato City, Maguindanao
—Puerto Princesa City, Palawan

Inaasahang makakaranas ang mga residente ng Metro Manila ng heat index na 41°C sa Miyerkules, na nasa “extreme caution” level. Ang kabisera ng bansa noong Martes ay may heat index na 40°C.

Ang damang-init ay tumutukoy sa sukat ng temperatura na nararamdaman ng katawan, na iba sa aktwal na temperatura ng hangin. Ito ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa halumigmig at temperatura ng hangin.

Nagbabala ang PAGASA na ang mga mapanganib na antas ng heat index ay posibleng mauwi sa heat cramps at heat exhaustion. Posible rin ang heat stroke sa patuloy na pagkakalantad sa init.

Nauna nang iniulat ng Department of Health (DOH) ang 77 kaso ng heat-related illnesses mula Enero 1 hanggang Abril 29. Sa bilang na ito, 87% o 67 sa mga kaso na ito ay nasa edad 12 hanggang 21 taong gulang. Santi Celario