Home HOME BANNER STORY NTF-WPS: Bagong WPS deal sa Ayungin kasinungalingan

NTF-WPS: Bagong WPS deal sa Ayungin kasinungalingan

MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ng opisyal ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang kumakalat na umano’y bagong kasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at China para pangasiwaan ang sitwasyon sa Ayungin Shoal.

Sa isang briefing, sinabi  na kilala na ang embahada ng China sa Pilipinas na  pattern ng paglalabas ng mga kasinungalingan para pagtakpan ang mga insidente sa WPS.

“Nililito lang nila ang sambayanang Pilipino. They are actually justifying ang kanilang mga maling gawin nila dito, ang mga illegal activities nila, and their aggression in the WPS,” giit ni ani NTF-WPS Spokesperson, Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela.

“They are justifying their action by highlighting na merong mga agreement na ganyan kaya nila nagawa,” dagdag pa niya..

Layunin ng naturang maling impormasyon, aniya, na pigilan ang publikong Pilipino na maniwala sa kanilang gobyerno, partikular ang NTF-WPS at Pangulong Ferdinand R. Marcos.

Nanawagan siya sa publiko na maingat na suriin ang mga pahayag na ginawa ng embahada ng China at iwasang mag-post ng mga pampublikong pahayag ng China sa social media.

“Itong mga maling impormasyon na ito, mga kasinungalingan ng Chinese embassy, ​​ay pinalalakas ng Chinese trolls,” giit pa niya.

“Ang mga influencer na ito ay nagbibigay at pinalalakas ang maling salaysay at maling impormasyon sa mamamayang Pilipino na nagdudulot ng kalituhan sa publikong Pilipino,” dagdag pa ng opisyal.

Noong Linggo, nilinaw ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro na ang Pilipinas ay hindi kasali sa anumang bagong kaayusan sa China sa pamamahala sa sitwasyon sa Ayungin Shoal sa WPS. RNT