MANILA, Philippines – Nasa 104 na iba’t ibang sasakyang pandagat ng China ang na-monitor sa Philippine-held features sa West Philippine Sea (WPS) mula Abril 30 hanggang Mayo 6.
Batay sa datos na ibinigay ng tagapagsalita ng Philippine Navy (PN) para sa WPS, Commodore Roy Vincent Trinidad, noong Martes, nakita ang mga sasakyang ito sa pitong feature sa WPS.
Nakita sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) noong panahon ang tatlong China Coast Guard vessel (CCGV), dalawang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN), 16 Chinese maritime militia vessels, at dalawang rigid-hulled inflatable floats.
Na-monitor din sa Ayungin Shoal ang tatlong CCGV at 30 CMMV; Pagasa Island, isang CCGV, dalawang PLAN ships, at 35 CMMVs; Kota Island, isang CCGV at isang CMMV; Lawak, one CCGV; Panata Island, anim na CCMV; at Patag Island, isang CCGV.
Samantala, binanggit ni Trinidad na walang nakitang mga barko ng China sa Parola at Likas Islands.
Ang mga bilang na ito ay mas mababa kaysa sa naitalang 129 na sasakyang pandagat na naitala mula Abril 23 hanggang 29, dagdag niya. RNT