Home NATIONWIDE P55 rollback sa diesel ipinanawagan ng transport group sa strike

P55 rollback sa diesel ipinanawagan ng transport group sa strike

97
0

MANILA, Philippines — Iginiit ng mga transport group na kalahok sa tatlong araw na welga na nagsimula noong Miyerkules ang P55 kada litrong rollback sa presyo ng diesel, kasabay ng patuloy na pagsirit ng presyo ng langis na anila’y nagpapabigat sa hanapbuhay ng mga driver ng pampublikong sasakyan.

Sa Quezon Avenue sa Quezon City, nanawagan ang transport group na PISTON ng agarang tugon mula sa pamahalaan sa lumalalang epekto ng krisis. Ayon sa grupo, hindi sapat ang P20 kada litrong rollback sa diesel upang maramdaman ng mga driver ang ginhawa.

Hindi rin bumiyahe mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang mga miyembro ng MANIBELA. Bagaman dagdag pasanin ang pagkawala ng isang araw na kita, sinabi ng mga driver na kailangan nilang iparating sa pamahalaan ang kanilang hinaing.

Dagdag pa ng MANIBELA, nauunawaan nila kung bakit hindi nakilahok sa welga ang mga miyembro ng transportation cooperatives na binuo bilang pagsunod sa mga rekisito ng Public Utility Vehicle Modernization Law. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here