Home NATIONWIDE P55M infra projects mula sa mga abandonadong proyekto pinasinayaan ng APECO

P55M infra projects mula sa mga abandonadong proyekto pinasinayaan ng APECO

92
0

Manila, Philippines-Pinasinayaan ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO) ang tatlong malalaking infrastructure projects nito upang palakasin pa ang kahandaan nito para sa industrial at commercial enterprises.

Sa isang seremonya, binigyang-diin ni APECO president at CEO Atty. Gil G. Taway IV ang layunin ng administrasyon na makumpleto ang halos P800 milyong halaga ng mga inabandonang proyekto, alinsunod sa direktiba mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Today, APECO answers the call. Beyond addressing past challenges, we are committed to improving APECO’s performance as an investment promotion agency. Our strategic direction now is to transform APECO into the fishing capital of the north, a renewable energy center, and the Philippines’ first national defense hub, which requires proper preparations,” sabi ni Taway.

Kabilang sa mga proyekto ang bagong fire station sa Casiguran at dalawang inabandonang proyekto: ang Phase 1 ng Sewage Treatment Plant Project at ang fire station.

Nasa P55 milyon ang kabuuang halaga ng mga proyekto na importante para sa mga industriya sa loob ng economic zone.

 

Nagkakahalaga ng P27 milyon ang fire station, na kinabibilangan ng imprastraktura at pagbili ng fire truck, rescue vehicle, at ambulansiya, para sa proteksyon ng APECO at mga karatig barangay.

 

Nagkakahalaga naman ng P28 milyon ang Sewage Treatment Plant na may kapasidad na hanggang 250 cubic meters ng maruming tubig at mahalagang investment para sa environmental management and sustainability ng APECO.

Bukod sa industrial development, pinalalakas din ng APECO ang turismo sa lugar gaya ng Corporate Campus Development Program (CCDP) kung saan nakapaloob ang pagtatayo ng Boat Café bilang bagong atraksyon sa mga turista.                      RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here