Home NATIONWIDE P57.5M Megalotto 6/45 jackpot nasolo

P57.5M Megalotto 6/45 jackpot nasolo

MANILA, Philippines- Nasungkit ng isang mananaya ang Megalotto jackpot na nagkakahalaga ng P57.5 milyon na binola nitong Biyernes,  April 11, 2025, base sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Pinili ng waging mananaya para sa Megalotto 6/45 ang mga numerong  22-24-28-05-07-25 na may P57,540,190 jackpot prize.

Wala namang nanalo ng Ultra Lotto 6/58 jackpot na nagkakahalaga ng P49,500,000 na may winning combination na 11-38-14-56-40-48. RNT/SA