Home NATIONWIDE P591.8B inilaan para sa ayuda programs sa panukalang 2025 budget

P591.8B inilaan para sa ayuda programs sa panukalang 2025 budget

93
0

MANILA, Philippines- May kabuuang P591.8 bilyon ang inilaan para sa cash assistance o ayuda programs ng pamahalaan para sa mahihirap na pamilya sa ilalim ng panukalang 2025 national budget, base sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na sa halagang ito, ang conditional cash transfer program ng gobyerno na Pantawid Pamilyang Pilipino Program, kilala rin bilang 4Ps, ang may pinakamalaking bahagi sa P114.2 bilyon.

“Kasama na rin po dito [sa mga pinaglaanan ng pondo ay] ‘yung AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation), TUPAD (Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers), ‘yung free tertiary education, kasama na rin po dito ‘yung mga SLP (Sustainable Livelihood Program) under DSWD (Department of Social Welfare and Development),” pahayag ni Pangandaman sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senado.

Subalit, inihayag ng DBM na ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP ng DSWD ay hindi na kasama sa 2025 National Expenditure Program.

Anang DBM, ang AKAP cash aid program, nagbibigay ng one-time P5,000-aid sa mga pamilyang kumikita ng hanggang P23,000 kada buwan ay “not requested by the DSWD in their budget proposal for 2025.”

Subalit, iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi rin kasama ang AKAP sa hiniling na pondohan ngayong 2024, subalit “found its way” sa national budget ng kasalukuyang taon.

“I can assure our minority leader that we will keep a watchful eye. Kung ano lang ‘yung na-approve natin,” pagtitiyak ni Senate committee on finance chairperson Grace Poe kay Pimentel.

Noong Pebrero, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na “not a single centavo” ng P26.7 bilyong AKAP budget para sa 2024 ang ginastos sa gitna ng mga alegasyon na ginamit ang pera sa pagbili ng mga pirma para sa people’s initiative para sa Charter change. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here