Home METRO P595M ismagel na sigarilyo sinira sa Zamboanga

P595M ismagel na sigarilyo sinira sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Nasa P595 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs sa Port of Zamboanga.

Sa pahayag nitong Huwebes, Hunyo 13, nasa 8,816 cases at 1,014 reams ng smuggled na sigarilyo ang nakolekta mula sa iba’t ibang maritime patrol operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi mula Nobyembre 2023 hanggang Abril 2024.

Sa loob ng warehouse, sinira ang mga kontrabando gamit ang cutter at ibinabad sa tubig saka muling sinira ng payloader bago tuluyang itinapon sa sanitary landfill sa Barangay Salaan, Zamboanga.

Sinaksihan ng mga tauhan mula sa Commission on Audit, Department of Health, local government unit, stakeholders at partner operating units ang pagsira sa mga illegal na produkto, ayon kay Port of Zamboanga Acting District Collector Arthur G. Sevilla Jr. RNT/JGC