Home NATIONWIDE Pros and cons ng POGO, dapat pag-aralan ng pamahalaan – DOJ exec

Pros and cons ng POGO, dapat pag-aralan ng pamahalaan – DOJ exec

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang opisyal mula sa Department of Justice nitong Huwebes, Hunyo 13 na dapat munang pag-aralan ng pamahalaan ang mga advantage at disadvantage ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Justice Undersecretary Raul Vasquez ay matapos na mahati ang desisyon ng mga mambabatas sa panukalang ipagbawal ang POGO.

Matatandaang sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na maituturing na national security concern ang mga criminal syndicate na nagpapanggap na POGO hub.

Noong Pebrero, inaprubahan ng House Committee on Games and Amusement ang panukalang magbabawal sa POGO dahil sa mga krimen na may kaugnayan dito.

Hindi pa napag-uusapan sa plenaryo ang naturang isyu.

Samantala, nagpahayag naman ng pagsuporta sina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Senator Loren Legarda, sa posibleng ban sa illegal POGOs.

“This is high time now to check whether or not the advantages outweigh the serious and grave social cost and public safety consequences of the POGO industry,” saad sa pahayag ni Vasquez.

Aniya, dapat ay ikonsidera ng pamahalaan ang epekto ng POGO sa seguridad ng publiko maging sa national security.

Ang whole-of-government approach ang pinaka-epektibong paraan sa pamamahala sa POGO industry.

“Not only the sole concern of the LGU (local government unit), the PSA (Philippine Statistics Authority), or the DOJ or PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) itself, everybody is on board currently,” sinabi ni Vasquez.

Samantala, sinabihan ni Vasquez ang mga dayuhan na sangkot sa POGO na ang kanilang pamamalagi sa Pilipinas ay isang “privilege” at inaasahang sumunod ang mga ito sa batas ng bansa. RNT/JGC