Home NATIONWIDE P6.2T nat’l budget target ng PH gov’t sa 2025

P6.2T nat’l budget target ng PH gov’t sa 2025

MANILA, Philippines- Iminungkahi ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang national budget na P6.2 trilyon para sa 2025, ayon kay NEDA chief Arsenio Balisacan nitong Huwebes.

Katumbas ang P6.2 trilyong 2025 national budget ng 21.4 porsyento ng GDP at mas mataas ng 7.5 porsyento kumpara sa 2024 national budget, base sa DBCC. 

Sa Palace briefing, tiniyak ni Balisacan na ang paggastos ng gobyerno “will remain focused on delivering high-impact and transformative public infrastructure projects and essential social services especially for the poor and vulnerable.”

“The budget shall support the Marcos administration’s Build Better More Program to stay on course and maintain infrastructure spending between five to six percent of GDP from 2024 to 2028,” wika ni Balisacan. RNT/SA

Previous article2 bus ng MMDA sinita sa ilegal na pagdaan sa Edsa busway
Next articleTom, may wish para kay Carla!