Home METRO 2 bus ng MMDA sinita sa ilegal na pagdaan sa Edsa busway

2 bus ng MMDA sinita sa ilegal na pagdaan sa Edsa busway

MANILA, Philippines- Nahuli ang dalawang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)-marked buses na ilegal na dumaraan sa Edsa Bus Carousel Lane nitong Huwebes.

Sa operasyon ng Department of Transportation (DOTr) Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), nasita ng mga operatiba ang dalawang shuttles sa Edsa Main Avenue.

Sa mensahe, sinabi ng SAICT official na ipinakita ng bus drivers ang February 20 MMDA memo sa DOTr enforcers kung saan nakasaad na “MMDA shuttle buses designated for employee transportation are allowed to access the Edsa Bus Carousel Lane.”

Subalit, binigyang-diin ng SAICT exec na ang “in-house memo” ay hindi kinikilala sa paggamit ng Edsa busway.

Batay sa DOTr operatives, ang mga empleyadong sakay ng MMDA buses ay “on their way to their office.” Matatagpuan ang head office ng MMDA sa Pasig City.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang MMDA ukol dito. RNT/SA

Previous article1.3M estudyante ng DepEd sa 4K iskul apektado ng matinding init
Next articleP6.2T nat’l budget target ng PH gov’t sa 2025