MANILA, Philippines – NAGBIGAY na ng tentative date ang Malakanyang sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa fiscal year 2025.
Sa isang text message ni Presidential Communications Operations (PCO) Secretary Cesar Chavez, sinabi nito na ang tentative date para sa pagpirma sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa fiscal year 2025 ay sa Disyembre 20 ganap na alas-9:00 ng umaga.
Nauna rito, isang joint technical working group (TWG) ang binuo para ibuod ang ‘disagreeing provisions’ ng bersyon ng bill ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalaman ng national budget para sa taong 2025.
Ang pinal na bersyon ng 2025 national budget ay idedetermina ng bicameral conference committee.
“Once they report it out, it will be ratified by both houses of Congress,” ayon sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).
Sa oras naman na maratipikahan, ang batas ay ipadadala sa Malakanyang para repasuhin at aprubahan ni Pangulong Marcos.