Home NATIONWIDE Panganib sa kalusugan ibinabala ng DOH sa Kanlaon bakwits

Panganib sa kalusugan ibinabala ng DOH sa Kanlaon bakwits

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na naninirahan malapit sa Mt. Kanlaon sa Negros Island laban sa respiratory illnesses at potensyal na peligro sa kalusugan na maaring nakaapekto sa kanila kasunod ng ashfall.

Sinabi ng DOH na maaring mairita ng volcanic ash ang respiratory tract, lalo para sa mga indibidwal na may nararanasang gaya ng ashtma at chronic obstructive pulmonary disease.

Maaring magdulot ng pamumula ng mata, mangangati at pananakit ng mata at ang mahabang pagkakalantad sa abo mula sa bulkan ay nagdudulot ng skin rashes.Samantala, ang ashfall ay maaring makadagdag sa peligro ng waterborne diseases.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, manatili sa loob ng bahay at isara ang mga bintana at pinto sa mga apektadong lugar.

Gumamit din aniya ng N95 masks o anumang medical mask — makakatulong rin aniya ang tinuping tela kung walang nagagamit na M95.

Gumamit din ng eye protection tulad ng goggles.Huqag gumamit ng tubig na kontaminado ng abo.

Pinayuhan din ng kalihim ang mga residente na nakararanas ng problema sa paghinga at sa mata na agad magpasuri.

Ang mga hospital at health facilities malapit sa MT.Kanlaon ay pinayuhan din na unahin ang pagtanggal sa mga buntis sa kanilang third trimester partikular sa mga may panganib sa kumplikasyon.

Pinaalalahanan din ang DOH regional offices na tiyaking may sapat na supaky ng N95 masks, eye protection o goggles, water purification tablets o filters , gamot ,hand sanitizers at antiseptic wipes. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)