Home METRO P6.65M mineral ore nasabat sa ZamboSur

P6.65M mineral ore nasabat sa ZamboSur

163
0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Nasabat ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ang mineral ore na nagkakahalaga ng P6.65 milyon sa isang checkpoint sa Molave, Zamboanga del Sur.

Ayon sa PNP-HPG, hinarang nila ang isang wing-van truck sa national highway sa Barangay Sudlon. Inamin ng driver na “rocks” lamang ang dala ng truck, ngunit hindi nakapagpakita ng permit para sa kargamento.

Nalaman ng mga awtoridad na mineral ore pala ang laman ng truck, at agad itong nasamsam kasama ang 450 sako ng mineral ore na may tinatayang halaga ng P6,650,000.

Dalawang lalaki, ang driver at helper ng truck, parehong residente ng lugar, ang nakilala at kasalukuyang iniimbestigahan sa posibleng paglabag sa mining at environmental laws.

Ani Hansel Marantan, “We remain firm in our commitment to assist concerned agencies in curbing illegal mining and unauthorized transport of mineral resources. These activities not only violate the law but also cause serious environmental damage.”

Hinimok ng HPG ang publiko na i-report ang anumang ilegal na pagmimina at transportasyon ng mineral resources sa mga awtoridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here