SARIAYA, Quezon – Nasamsam ng pulisya ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 milyon at naaresto ang dalawang tulak ng droga sa buy-bust operation sa Barangay Guis-guis Talon dito noong Sabado ng gabi, Nob. 16.
Kinilala ang mga suspek na high-value individual Chan-Chan, 26, at Michael, 29.
Nasakote ng pulisya ang mga suspek matapos nilang ibenta ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa isang poseur-buyer na nagkakahalaga ng P8,000.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit isang kilo ng shabu, marked money, smartphone, at isang motorsiklo.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng pulisya dito. Nahaharap sila sa mga kasong may kinalaman sa droga. RNT