Home ENTERTAINMENT Tyang Amy, may payo kay Ai Ai!

Tyang Amy, may payo kay Ai Ai!

Manila, Philippines- Ipinauubaya pa rin daw ni Amy Perez sa kanyang mga radio listeners ang desisyon how to go about fixing their relationship problems.

Kilala si Amy not just one of the hosts of It’s Showtime kundi tagabigay rin ng mga payo sa kanyang mga tagapakinig sa radio program niya.

Truth is, hindi naman daw “fit all sizes” ang mga ibinabahagi niyang advice.

In short, case to case basis.

At the end of the day, it’s still her listeners who ultimately decide for themselves.

Options lang daw ang kanyang mga ibinibigay.

Cheating in relationships ay ang most common problem na idinudulog sa kanya.

Kaya naman relatable kay Amy ang sitwasyon ni Ai Ai de las Alas.

Naranasan na raw kasi niya ‘yon noong panahon nila ni Brix Ferraris.

Relate din si Amy kay Ai Ai sa aspetong mas matanda ang girl kesa sa guy.

Sa kaso raw kasi ng asawa niya of 10 years na si Carlo Castillo, Amy is 10 years his senior: “Pero mukha siyang mas matanda! Charos!”

In Ai Ai and Gerald’s case kasi, 30 years ang age gap nila.

‘Yun kaya ang pangunahing dahilan why their 10-year marriage crumbled?

Again, ani Amy ay depende pa rin daw ‘yon: “We cannot generalize, eh!”

Ganoon na lang daw ang malasakit niya kay Ai Ai that Amy sent her a message shortly after kinumpirma nitong hiwalay na sila ni Gerald.

With only nice words for the Comedy Queen: “I told her we’re here for you. Napakabuti ng puso ni Ai Ai!”

Kakambal daw ito ng panalanging kung hindi man sila magkaayos ni Gerald, sana’y makatagpo ang komedyana ng lalaking totoong magmamahal sa kanya. Ronnie Carrasco III