Home METRO P6.7M shabu, marijuana nasabat sa Cordillera

P6.7M shabu, marijuana nasabat sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet- Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng P6.7 milyon at naaresto ang dalawang drug pushers sa anti-illegal drug operations sa Cordillera region mula March 4 hanggang 10.

Sinabi ng Police Regional Office-Cordillera na nadakip ng Apayao Police Provincial Office (PPO) ang 43-anyos na babaeng natukoy bilang street-level individual sa Barangay Poblacion, Kabugao, Apayao, at naaresto naman ng Baguio City Police Office ang 34-anyos na lalaking itinuturing na high-value individual sa Barangay Happy Homes, Baguio City.

Nakuhanan ang mga suspek ng kabuuang 0.90 gramo ng shabu na may standard drug price na P6,120.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting units ang mga ebidensya at mga suspek na nahaharap sa drug-related cases.

Samantala, 33,800 fully grown marijuana plants at 300 seedlings na nagkakahalaga ng P6.7 milyon ang nadiskubre at binunot sa eradication operations sa pitong plantation sites sa mga lalawigan ng Benguet at Kalinga.

Sinunog ang mga ito matapos ang dokumentasyon habang patuloy ang follow-up operations upang matunton ang marijuana plantations at cultivators. 

Binibisita rin ng kapulisan ang mga barangay at nagsasagawa ng information campaigns upang paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga sa rehiyon. RNT/SA

Previous articleSupply missions sa 4 WPS posts kasado sa Abril
Next article2 tulak laglag sa P1.7M shabu