Home METRO 2 tulak laglag sa P1.7M shabu

2 tulak laglag sa P1.7M shabu

MAGUINDANAO DEL NORTE- Nadakip ang dalawang hinihinalang drug dealer matapos makuhanan ng P1.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation nitong Lunes sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Nungga Mamaladang Abdila at Amir Andungan Usman,  kapwa residente ng Barangay Makir DOS, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Director Gil Cesario Castro, nakuha sa mga suspek ang 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon; cellphone at motorsiklo na ginagamit nila sa kanilang ilegal na transaksyon.

Sinabi ni Castro, nakatanggap sila ng report mula sa mga residente hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa naturang lugar.

Isinailalim sa monitoring ang mga suspek at nang magpositibo ay agad na inilatag ang operasyon laban sa mga ito na nagresulta sa pagkakadakip kina Abdila at Usman.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico