Home METRO Kawani ng munisipyo patay sa pananambang!

Kawani ng munisipyo patay sa pananambang!

HINOBAAN, Negros Occidental- Duguan at walang buhay nang matagpuan ang isang kawani ng munisipyo matapos umanong tambangan at hampasin ng matigas na bagay ng hindi pa kilalang suspek nitong Lunes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Daryl Canoy, 43-anyos, residente ng Purok 5, Barangay 5, ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Hinoba-an Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ng biktima sa bahagi ng national highway sa Sitio Balugo, Barangay Sangke, ng na naturang bayan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Canoy ang motorsiklo galing Basay, Negros Oriental.

Habang binabaybay ang naturang kalsada ay bigla na lamang hinampas ng matigas na bagay ang biktima dahilan para sumemplang ito sa kalsada.

Naisugod naman ng mga rumespondeng awtoridad ang biktima sa ospital subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya hinggil sa nasabing krimen at mayroon na rin silang person of interest matapos ituro ng ilang saksi. Mary Anne Sapico

Previous article2 tulak laglag sa P1.7M shabu
Next articleLider ng NPA timbog