Home METRO Lider ng NPA timbog

Lider ng NPA timbog

CADIZ CITY- Arestado ang isang Squad leader ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nitong Lunes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Eliseo Along alyas Ermi, Juan, 38, Squad Leader ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) Platoon, North Negros Front Dismantled (NNF-D), Komiteng Region-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR-NCBS) at residente ng Sitio Aglolomot, Brgy. San Jose, Toboso.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Renato D. Muñez, Executive Judge, RTC, Sixth Judicial Region, Branch 60, Cadiz City, Negros Occidental noong September 1, 2011 sa kasong pagpatay sa Hacienda Tresing, Barangay Andres Bonifacio, Cadiz City, Negros Occidental, nadakip ang suspek ng pinagsamang operasyon ng tropa ng pamahalaan.

Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng Cadiz City Police Station ang suspek at walang inilaan piyansa ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan. Mary Anne Sapico