Home OPINION ISA SA BAWAT LABING-APAT NA FILIPINO ADULTS NAGKAKAROON NG DIABETES

ISA SA BAWAT LABING-APAT NA FILIPINO ADULTS NAGKAKAROON NG DIABETES

Ano ang ibig sabihin ng Diabetes? Ito ang problema sa blood sugar at insulin
Ano naman ang Insulin? Ginagamit ng iyong katawan ang glucose (isang uri ng asukal) upang pagkunan ng enerhiya. Kinokontrol ng insulin ang dami ng glucose sa dugo upang pagkunan ng ener­hiya para sa mga gawaing pang-araw-araw. Kailangan mo ng insulin sapagkat hindi na nakakagawa ang iyong katawan ng insulin o hindi sapat ang dami nito upang mapanatili ang tamang antas ng glucose sa dugo.
Sinabi ng DPI o Diabetes Philippines, Incorporated, isang non-governmental organization, na ang kasaluku­yang prevalence rate sa bansa ay nasa 6.3% o nasa ratio na 1:14 ang mga nasa tamang edad na nagkakaroon ng sakit na diabetes.
Sa tala ng DPI, sa 63.27 million adult Filipinos noon pang 2019, nasa 3.99 million ang may diabetes.
Tingin ng NGO, aakyat ang bilang na ito sa 5.2 million sa pagdating ng    taong 2045.
Ang diabetes ang siyang ika-apat na sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino ayon sa datos ng DOH. Nangunguna ang heart diseases kasunod ang stroke, at ikatlo ang cancer.
Nito lamang 2023, nasa 21,250 ang naitalang namatay sanhi ng diabetes.
Base sa pag-aaral ng DPI, nasa dalawa hanggang sampung taon na nasa pre-diabetic state ang isang tao bago ma-convert sa full blown diabetes.
Depende sa lifestyle modification, disiplina, medikasyon at ehersisyo, tatlo ang maaaring mangyari – puwede pa makabalik sa normal, ma-convert sa full blown state o maging pre-diabetic habang sila ay nabubuhay.
Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng diabetes ay ang madalas na pagkagutom at pagkauhaw, pagtaba o pagbagsak ng timbang, pagtaas ng blood pressure, pagtaas ng blood sugar, pamamanhid, pagkahilo, madalas na panghihina, kawalan ng interes sa sex, nanlalabo ang paningin, madalas na pag-ihi, at madalas na pagkakaroon ng impeksyon.
Maaaring maapektuhan ng diabetes ang utak, mga mata, puso, bato at mga ugat na daluyan ng dugo.
Previous articleLider ng NPA timbog
Next articlePAGPUPURI SA KABABAIHAN