Home OPINION PAGPUPURI SA KABABAIHAN

PAGPUPURI SA KABABAIHAN

ATING binabati ang lahat ng kababaihan at iniaalay sa kanila ang pitak na ito upang papurihan ang mga Filipinang nag-aalay ng kanilang panahon at atensyon para sa kanilang mga kababayan.

Tuwing buwan ng Marso ginugunita at ipinagdiriwang natin ang National Women’s Month na hango at pagbibigay pagkilala sa International Women’s Day tuwing March 8, isang ‘historical event’ na nagpakita ng kakaibang kakayahan ng mga kababaihan para manindigan bago pumasok ang 20th Century.

At magmula noon, buong daigdig na ang nagdidiwang at gumugunita nito. At kada limang taon, may tema itong inoobserbahan  gaya ngayon na ang tema ay “WE for gender equality and inclusive society.”

Dito sa atin, isinalin sa Tagalog ang temang yan, “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!” ‘Yan ay tema mula pa noong 2023 at gagamitin hanggang 2028. Bago yan, ang tema para sa 2016-2022 ay “WE Make CHANGE Work for Women.”

Sa kasalukuyang tema ng pagdiriwang, ipinaaalala nito na ‘di nakatali ang karapatan ng kababaihan sa kalalakihan sa anomang mga bagay, isyu at kaganapan.

Ang kababaihang ngayon at ang kalalakihan ay pantay na kung ang pag-uusapan ay karapatan. Parehas silang pinagsisilbihan at pinahahalagahan ng pamahalaan at ng pamayanan.

Kaya ang selebrasyon ngayong taon ay isang paraan nnag pagbibigay pugay sa lahat ng kababaihan mapalider man sila ng anomang samahan, o simpleng ina ng tahanan.

Atin silang sinasaluduhan sa kanilang pagsisikap sa anomang tungkulin nilang ginagampanan sa kanilang pamumuhay at sa lipunan nating ginagalawan.

Mabuhay ang karapatan at lahat ng kababaihan!