Home METRO P6.8M shabu nadiskubre sa baybayin!

P6.8M shabu nadiskubre sa baybayin!

CITY OF CALAPAN- Natuklasan ng barangay kagawad nitong Miyerkules ang isang plastic container na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa Lubang, Occidental Mindoro.

Hinihintay pa ang kumpirmasyon ng substance sa crime laboratory, ayon kay Captain Feran Cadiao, acting chief of police sa bayan ng Lubang.

Sinabi ni Cadiao na natagpuan ni Dominador Tardio, chief tanod (patrol), ang sky-blue sealed plastic pack na naglalaman ng white crystalline substance ng alas-6:30 ng umaga sa kahabaan ng baybayin sa Barangay Binacas.

Pagsapit ng alas-10 ng umaga, iniulat ng isang barangay kagawad na si Arnelson Tamares, miyembro rin ng Savior of the Sea, ang plastic pack sa mga pulis.

Nagtungo ang kiapulisan, sa pangunguna ni Cadiao, kasama ang Lubang Maritime Law Enforcement Team, sa barangay hall upang beripikahin ang ulat.

Sinabi ni Tamares na hindi niya inaaasahang matatagpuan ang pakete habang naglalakad sa baybayin.

Ang white substance, may bigat na halos 1,000 gramo, ay nagkakahalaga ng P6,800,000 batay sa Philippine Dangerous Drug Board.

Itinurn-over ang kontrabando kay Police Staff Sergeant Julius Cesar Torres at sa barangay hall para sa wastong disposisyon at dokumentasyon.

Dinala na ito sa Regional Crime Laboratory Office sa Barangay Suqui sa Calapan City sa Oriental Mindoro para sa pagsusuri. RNT/SA