Home METRO P6.8M shabu nalambat sa karagatan ng Cagayan

P6.8M shabu nalambat sa karagatan ng Cagayan

98
0

APARRI, Cagayan – Umaabot sa mahigit P6.8 milyon halaga ng pinaniwalaang shabu ang narekober ng mga otoridad na palutang-lutang sa bahagi ng baybayin ng Fuga Island, Aparri, Cagayan.

Nakita ng mga mangingisda ang palutang-lutang na pinaniwalaang shabu sa naturang karagatan.

Unang karekober ang otoriďad sa pagitan ng bayan ng Claveria at bahagi ng Masisit Sanchez Mira at nitong huli ay sa bayan ng Aparri.

Ang narekober na shabu ay nakabalot din ng plastic na nakitang palutang-lutang sa tubig.

May market price ang tinatayang 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million kung pagbabasehan ang P6,800 street value per gram.

Hinihinalang may iba pang naikalat na shabu sa coastal areas ng Cagayan kung saan unang nakadiskubre ng ganitong mga illegal na droga sa probinsya ng Ilocos Norte. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here