MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng jackpot sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 draws nitong Huwebes, Setyembre 10, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang bettor ang nakatama sa winning combination na 29-05-40-18-30-34 para sa Super Lotto 6/49 na may jackpot na P25,056,258.30.
Wala ring nakakuha ng tamang kombinasyong 23-12-29-27-07-33 sa Lotto 6/42 na may jackpot na P34,992,150.14.
Dahil walang jackpot winner, madadagdagan pa ang premyo sa susunod na draw ng dalawang lotto game.
Ang Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 ay kabilang sa mga major lotto games ng PCSO na regular na binobola tuwing Huwebes. RNT