Home METRO P600-M ‘tobats’, nasabat sa Zamboanga City

P600-M ‘tobats’, nasabat sa Zamboanga City

268
0

ZAMBOANGA, Philippines – Nasamsam ng Philippine National Police ang P600 milyong halaga ng iligal na droga sa isang anti-drug operation sa Zamboanga City noong Linggo ng umaga, Agosto 31.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Baser,” 53, “John,” 27, at “Adil,” 41, na pawang mga high-value na indibidwal.

Ang nasabat na 89 kilo ng shabu ay umabot sa P605.2 milyon.

Sinabi ng PNP na dadalhin ang mga suspek at ang mga nakumpiskang piraso sa Zamboanga City Police para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here