MANILA, Philippines – Walang nanalo sa mga major lotto jackpot na binola nitong Huwebes, December 4, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Hindi napanalunan ang P35,274,192.00 SuperLotto 6/49 jackpot matapos walang makakuha ng kombinasyong 35-24-16-26-44-28.
Wala ring tumama sa Lotto 6/42, kaya nananatiling wala pang nanalo sa P27,190,231.20 jackpot matapos walang pumili ng numerong 31-41-03-11-12-29. RNT