Home NATIONWIDE #WalangPasok sa hagupit ni Bagyong Wilma

#WalangPasok sa hagupit ni Bagyong Wilma

287
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa maraming lugar sa Biyernes, December 5, 2025, dahil sa banta ng bagyong Wilma.

Sa Northern Samar, Eastern Samar, at Negros Oriental, kanselado ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng antas, public at private. Mag-a-alt mode ang Negros Oriental.

Sa Samar, suspendido ang klase sa Pagsanghan at San Sebastian.

Sa Cebu, walang face-to-face classes sa Carcar, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Toledo City, at lilipat sa alternative learning. Sa Naga City, suspendido rin ang lahat ng face-to-face classes. Sa Talisay City, preschool hanggang senior high school (public) ang suspendido.

Sa Leyte, walang pasok sa Tacloban City at Tanauan.
Sa Southern Leyte, suspendido ang klase sa Bontoc.

Sa Negros Occidental, walang pasok sa Talisay at Cauayan.

Sa Bohol, suspendido ang klase sa Calape, Garcia-Hernandez, Clarin, Tubigon, Carmen, Loboc, at Mabini. Sa Tagbilaran City, lilipat sa alternative learning; sa Trinidad, preschool hanggang senior high school ang suspendido.

Sa Albay, suspendido ang lahat ng klase sa Camalig, Polangui, Guinobatan, at Oas, habang alt mode sa Daraga, Tabaco City, at Sto. Domingo.

Sa Catanduanes, walang pasok sa Pandan at Panganiban; alt mode naman sa Virac, Baras, at Bagamanoc.

Sa Camarines Sur, suspendido ang face-to-face classes sa Caramoan, Lagonoy, San Jose, Tigaon, at Tinambac.

Sa Masbate, suspendido ang lahat ng klase sa Placer; daycare hanggang sekondarya sa Pio V. Corpuz.

Sa Misamis Oriental, preschool hanggang senior high school ang walang pasok sa Cagayan de Oro City; lahat ng antas ay suspendido sa Magsaysay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here