Home METRO P63M tobats buking sa pasahero sa NAIA

P63M tobats buking sa pasahero sa NAIA

MANILA, Philippines- Nasabat ng mga awtoridad ang halos P63 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang babae na dumating sa Ninoy Aquino International Airport mula Zambia noong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakumpiska ang 9,276 gramo ng shabu na nakatago sa bagahe ng babae, ayon sa PDEA nitong Miyerkules.

Nasamsam ng mga awtoridad ang mobile phones, travel documents, at identification cards ng nasabing biyahero.

Mahaharap siya sa kasong importation of dangerous drugs. RNT/SA